HOLY WEEK BREAK | Pagdagsa ng mga biyahero palabas ng Metro Manila, inaasahang mapapaaga

Manila, Philippines – Asahan pa ang pagdoble ng mga biyaherong palabas ng Metro Manila ngayong Miyerkules Santo.

Ayon kay MIAA Assistant General Manager for Operation Bing Lina, inaasahan ang higit sa 124,000 pasahero ang dadaan sa naia ngayong Holy Week break.

Sinabi naman ni San Miguel Corp. Corporate Communications Marlene Ochoa, 10% inaasahang tataas ang bilang ng mga sasakyang dadaan sa SLEX at nagdagdag na sila ng collection booths at ambulant tellers.


Sabi naman ni Robin Ignacio ng NLEX, may mga nakatalagang team na magbibigay ng libreng tawag, Wi-Fi at serbisyong medical sa mga motorista.

May libreng towing services na rin.

Sa interview ng RMN kay PNP-HPG Director General Arnel Escobal, handa silang umalalay sa mga motorista lalo na ang patungo sa mga probinsya.

Idineklara ng Malacañang na half day na lang ang pasok sa lahat ng government offices at public schools.

Facebook Comments