Home care para sa mga COVID-19 patients na kritikal ang kondisyon, ipinakukunsidera sa mga ospital

Hiniling ni 1PACMAN Party-List Rep. Eric Pineda sa mga ospital na ikunsidera at pag-aralan ang home care para sa gamutan ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Pineda, mahalagang mapag-aralan ito ng mga ospital sa gitna na rin ng ulat na punuan na ang mga ospital at hindi na kayang mag-accommodate ng iba pang mga pasyente.

Dapat aniyang maging proactive at humanap ng ibang alternatibong paraan ng gamutan tulad ng posibilidad na sa bahay na lang ang treatment ng mga pasyenteng may kritikal na kondisyon ng COVID-19.


Kung hindi aniya matatanggap sa ospital ang isang critical COVID-19 patient ay dapat ikunsidera ang paggamot dito sa sariling bahay kung saan bibisitahin na lang sila ng mga doktor at nurses.

Dahil limitado rin ang mga gamit, inirekomenda rin ng kongresista na dapat magkaroon ng mga medical equipment na madaling ibiyahe na pwedeng ipahiram sa mga pasyenteng nasa bahay.

Facebook Comments