Home quarantine guidelines ng DOH, dapat naging malinaw ayon sa Palasyo

Iginiit ng Malacañang na dapat binigyang linaw ng Department of Health (DOH) ang guidelines nito sa home quarantine noon pa sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bigo ang DOH na ipuntong dapat mayroong sariling kwarto at sariling banyo ang mga COVID-19 patients na sasailalim sa home quarantine.

Naniniwala si Roque na ito ang isa sa dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng kaso.


Gayumpaman, itinatama na ng pamahalaan ito sa pamamagitan ng pinaigting na testing at paglunsad ng Oplan Kalinga kung saan ililipat ang mga mild cases at asymptomatic sa isolation facilities na hindi pumasa sa requirements para sa home quarantine.

Facebook Comments