Home quarantine sa mild at asymptomatic COVID-19 patients, pinapayagan na ng DOH

Kinumpirma ng DOH na maari nang mag-home quarantine na lamang ang mild at asymptomatic COVID-19 patients.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay kapag puno na ang quarantine facilities ng mga lokal na pamahalaan.

Gayunman, kailangan pa rin aniya ang masusing monitoring sa mga naka-home quarantine na mild at asymptomatic COVID-19 patients.


Samantala, kinumpirma ng DOH na inaabangan na nila ang listahan ng mga bakuna kontra COVID-19 na mapapasama sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO).

Inaasahang ilalabas ng WHO ang nasabing listahan sa ikatlong linggo ng buwang kasalukuyan.

Posible naman simulan sa bansa ang trials sa mga bakuna sa katapusan ng buwang ito.

Facebook Comments