Home service COVID-19 vaccination para sa mga bedridden, muling ipagpapatuloy ngayong araw

Muling ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ginagawa nilang home service COVID-19 vaccination para sa mga bedridden citizen ngayong araw.

Mismong ang mga tauhan ng Manila Health Department ang bababa sa mga barangay kung saan may mga boluntaryong nagpalista para magpabakuna.

Lahat ng mga magpapabakuna sa pamamagitan ng home service vaccination ay kailangan may pahintulot mula sa kanilang pamilya o kaya doktor na tumitingin sa kanila.


Samantala, umaabot na sa 79,537 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Bukod dito, 25,300 na katao na rin ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully vaccinated.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga interesadong magpabakuna na magpre-register sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis at episyenteng vaccination process.

Facebook Comments