Ilang celebrity na nanganak sa pagpasok ng buwan ng Mayo, kilalanin!

88

Bumuhos ang mga angel (baby) ngayong buwan ng Mayo.

Ito ay matapos na i-welcome kahapon ng kapwa dancer at mag-asawang Jopay Paguia at Joshua Zamora ang kanilang ikalawang anak, maging ang former “Pinoy Big Brother” housemates at real-life couple na sina Gee-Ann Abrahan at Mickey Perz.

Sina Jopay at Joshua ay nag-post ng kanilang picture together kasama ang kanilang new born baby na si Izabella Ariana.


Kasabay ng sayang nararamdaman sa pagdating ni Baby Izabella sa kanilang buhay, pinasalamatan din ni Joshua ang asawa dahil kinaya nito ang pinagdaanang sakit sa panganganak.

Samantala, gamit naman ang caption na “Happy Labor Day” sa kanilang social media, ipinakilala ni Gee-Ann at Mickey ang kanilang second child na si Baby River Indigo na saktong ipinanganak noong Labor Day.

Facebook Comments