Home testing kits, ipinakokonsidera na maging bahagi ng mass testing

Ipinakokonsidera ng Bayan Muna Partylist na gawing parte ng isinusulong na libreng mass testing ang pagkakaroon sa mga tahanan ng sariling testing kits.

Ang kawalan umano ng sapat na testing center at laboratories ay mas lalong nag-oobliga na ikonsidera na ang home testing para mapunan ang kakulangan sa mga pasilidad lalo’t tuloy-tuloy ang surge sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang self-administered antigen kits ay makakatulong naman para masala kung sino lang ang kailangang sumailalim sa confirmatory RT-PCR test.


Ngunit magiging epektibo lamang ito kung ang mga test kit ay ibibigay ng libre sa mga kinakailangan lang i-test, may tamang guidance sa pagsasagawa ng test at ang resulta ay maire-report ng tama at maaaksyunan agad ng health authorities.

Ang halaga ng isang test kit ay aabot ng katumbas ng halos isang araw na minimum na sahod kung kaya’t ang mahalaga ang government subsidy sa mga test.

Kung magiging posible ito, naniniwala ang Bayan Muna na mas marami pang tao ang mahihikayat na magpa-COVID-19 test at matitiyak pa na ligtas ang paligid habang umaangat naman ang ekonomiya.

Facebook Comments