Homemade Face Mask na Mura at Nagpapaganda!

Importante sa mga kababaihan na magkaroon ng smooth at glowing skin pero hindi naman lahat sa atin ay may extra cash para makapunta sa dermatologist o mga skin care salons. Buti nalang, there are affordable and effective skin solutions na pwede nating gawin in the comfort of our own homes, gaya ng homemade face mask na gawa sa papaya & honey.

Bakit nga ba papaya at honey ang madalas irekomenda ng mga eksperto? Punong-puno kasi ito ng natural enzymes na nagpapasigla, nagpapalambot, at nag-eexfoliate ng ating balat. Papain (pəˈpā(ə)n) ang main beauty ingredient sa papaya, isang natural enzyme na mayroong kakayahang magpaputi ng balat. Sa isang banda, nagbibigay-ginhawa naman ang honey at binabalanse ang acidity ng papaya.

Ilang benepisyo ng Papaya sa Balat :
Naglalaman ng anti-inflammatory, anti-aging, anti-oxidant, anti-bacterial, exfoliating and skin lightening and whitening properties ang papaya na tumutulong sa pagpoprotekta ng balat mula sa damage. Ilan sa mga benepisyo nito ang sumusunod:
• Nagpapaliit ng pores
• Nagpapaputi ng balat
• Tumutulong sa pag-iwas magkaroon ng pimples
• Binabawasan ang mga peklat mula sa pimples, blemishes, at dark spots
• Na-eexfoliate ng balat gamit ang likas na kemikal na lumulusaw at sumisira sa dead skin cells
• Pinipigilang magkaroon ng kulubot ang balat
Ilang benepisyo ng Honey sa Balat
Likas na humectant o kumukuha ng moisture sa kanyang paligid ang honey na siyang tumutulong sa pagkakaroon ng magandang balat. Gamit ang malakas nitong anti-oxidants, nilalabanan nito ang pro-aging free radicals sa ating katawan. Narito ang ilang mga benepisyo ng honey sa ating balat:
• Nagpapanatili ng sariwang balat
• Nagpapaliit ng mga malalaking pores
• Pinananatiling hydrated ang skin
• Nililinis nang maigi ang ating balat
• Nilalabanan ang free radicals na dahilan ng aging sa katawan


Kung Papaano Gawin at I-apply ang Face Mask

Mga Sangkap:
− 3 maliliit na hiwa ng papaya (cubed)
− ½ kutsarita ng honey

Panuto:
1. Maghiwa ng ¼ na papaya sa 3 maliliit na piraso. Ilagay sila sa isang mangkok at magdagdag ng ½ kutsarita ng honey.
2. Durugin at paghaluin ang dalawang sangkap gamit ang tinidor. Tandaang ayos lang na may bahaging buo-buo pa rin.
3. Tapos na ang face mask! Oops! Alam naming mabango yan, pero huwag mo munang kakainin.
4. Matapos linisan ang mukha, tuyuin muna ito. Gamitin ang mga daliri o ang face mask brush at ilapat ang honey and papaya mixture sa mukha. Iwasang malagyan ang mata at bibig dahil manipis ang balat sa mga bahaging ito at kapag nabanat ng face mask, maaaring magkaroon ng fine lines.
5. Hintayin na lumapat ang face mask at matuyo ng mga sampung minuto.
6. Kapag tapos na ang oras, hugasan gamit ng maligamgam na tubig.
7. Tuyuin ang mukha gamit ang tuwalya.

Karagdagang Tip

1. Gumamit ng organic honey at hindi iyong mga may halo dahil baka makairita ang mga ito sa balat.
2. Maaaring gamitin ang mixture sa leeg, kamay, at paa, bago magshower, o maaaring isilid sa fridge para sa gamitin sa ibang araw. Tandaan lang na gamitin ito sa loob ng dalawang araw o itapon ito kapag masama na ang amoy.
3. Siguraduhing nasa tapat ng lababo kapag inilalagay ang face mask dahil tumutulo ito.
4. Itali ang buhok at maglagay ng headband para hindi dumikit sa hibla ng buhok.

BONUS:

Ngayong alam niyo na ang benefits ng Papaya at Honey, makakatulong ang regular o araw-araw na paggamit ng mga produktong meron nito gaya ng Green Cross Soap Papaya and Honey! Bukod sa pag-aalaga sa ating balat, clinically proven ito to eliminate 99.9% of skin germs for 24 hours habang minomoisturize ang balat natin. Ibig sabihin, nagagamit nito ang natural moisture ng balat para hindi dry ang ating skin habang nilalabanan ang mga germs na maaaring mag cause ng disease at body odor. Lamang ka sa bawat paligo!

Learn more

Facebook Comments