Naka-admit na si Honduran President Juan Orlando Hernandez sa isang ospital sa Tegucigalpa , Honduras matapos nitong ianunsyo na positibo siya sa COVID-19.
Sinabi ni Government Spokesman Francis Contreras na lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na mayroong pneumonia ang presidente.
Una ng inanunsyo ni Hernandez na hindi maganda ang kanyang pakiramdam kung saan mayroon na pala itong mild symptoms ng nasabing virus.
Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit 9,000 kaso ng COVID-19 ang Honduras kung saan 322 na ang namamatay sa naturang sakit.
Facebook Comments