NBA, naglabas na ng guidelines sa muling pagbabalik laro sa Hulyo

Naghahanda na ngayon ang National Basketball Association (NBA) sa nakatakdang pagbabalik-laro ng liga sa darating na Hulyo.

Ayon sa ulat, namahagi na ng 113-page handbook ang pamunuan sa bawat koponan kung saan nakapaloob ang mahigpit na health at safety protocols sa pagpapatuloy ng naudlot na season.

Naglalaman ang handbook ng anim na phases kabilang na rito ang underway o ang voluntary workouts ng mga players sa kanilang mga training facilities


Nabatid na dadaan muna ang mga players at staff sa COVID-19 test ng dalawang beses bago mag-umpisa ang kanilang pagsasanay.

Facebook Comments