Bayambang, Pangasinan – Binuksan ang isang honesty store o tindahan na kung saan walang nagbabantay at ihuhulog na lamang ang kanilang eksaktong bayad sa loob ng isang kahon sa munisipyo ng Bayambang, Pangasinan.
Ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ay naglagay din ng walo pang honesty store sa mga pampublikong paaralan bilang isang social experiment na hihikayating maging tapat ang mga bata at matuto sila sa kahalagahan ng pera.
Ayon kay Dr. Joel Cayabyab, head ng action team ay layunin nilang mapabuti lalo ang values formation ng mga kabataan.
Binigyan ng 10,000 piso ang bawat isa sa walong paaralan bilang kapital at umaasa silang madodoble ang kanilang puhunan sa pagtatapos ng school year.
Ang kanilang kikitain dito ay gagamitin naman nila para sa pagpapatuloy ng feeding program.