HONEYMOON | Anne Curtis at Erwan Heusaff, planong mag-honeymoon sa South Africa

Manila, Philippines – Plano ngayon ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heusaff na gawin ang kanilang honeymoon sa South Africa.

Excited na nga sina Anne at Erwin sa kanilang honeymoon matapos ikasal, halos isang taon na ang nakakalipas kung saan nais nilang bumiyahe sa buwan ng November.

Say ni Anne, magiging mahaba-haba ang kanilang bakasyon ito daw ang unang pagkakataon na wala silang trabaho na iintindihin.


Matatandaan na sobrang naging abala sa kani-kanilang career sina Anne na isang TV host /actress habang kilala naman bilang food blogger ang kaniyang husband na si Erwan.

Samantala, sinabi naman ni Anne na wala pa raw silang planong magkaroon ng baby pero magiging masaya sila kung maaga daw itong ibibigay ng Diyos.

Facebook Comments