PBA | Barangay Ginebra, isang panalo na lamang ang kailangan para masungkit ang kampeonato

Manila, Philippines – Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para masungkit ang kampeonato sa 2018 PBA Commissioners Cup.

Ito ay matapos nilang talunin ang San Miguel Beermen sa score na 87-83 sa game 5 ng kanilang finals series kung saan nanguna sa panalo ng Gin Kings si Scottie Thompson na may 20-points at 11-rebounds.

Nakapag-ambag naman ng 18 points si Justin Brownlee, 15 points si LA Tenorio at 13 points kay Greg Slaughter.


Angat na sa serye ang Ginebra sa 3-2 at mapapanood naman ang game 6 sa Miyerkules, August 8 sa MOA Arena.

Facebook Comments