Hong Kong, bukas na sa mga hindi bakunadong mangagawa

Inanunsyo ng Hong Kong Labor Department (HKLD) na hindi na kailangan ang bakuna laban sa COVID-19 para makapasok sa trabaho doon.

Nangangahulugan ito na maari nang mamasukan sa HK ang mga manggagawa kahit wala silang bakuna kontra COVID-19.

Ito ay matapos bawiin ng Labor Department ang probisyon sa ilalim ng Employment Ordinance (EO).


Ang naturang anunsyo ay ikinatuwa naman ng Filipino Community doon.

Bunga nito, inaasahan anila ang pagdagsa ng mas maraming Pinoy workers sa Hong Kong.

Facebook Comments