German national, arestado matapos mahulihan ng iligal na droga sa Makati

Arestado ang isang German nationa matapos mahulihan ng iligal na droga sa Makati.

Kinilala ang suspek na si Kuecuekboga Sueleyman, 37-taong gulang.

Ayon sa Makati Public Safety Department (MPSD), hinuli nila ang suspek matapos lumabag sa number coding system pero imbis na makipagtulungan sa otoridad at isuko ang lisensya ay nagsungit pa ito.


Kaya nagpasaklolo na ang MPSD sa San Isidro Police Sub-station upang tuluyang maarestoang nag-aamok na dayuhan at nang kapkapan ay doon na ito nakuhanan ng 16 na sachet ng Opium Poppy seeds.

Kasalukuyang hawak na ang indibidwal ng Makati City Custodial Facility kung saan mahaharap ito sa karampatang kaso.

Facebook Comments