Kinumpirma ng Filipino community ang anunsyo ng Hong Kong government na aalisin na nito ang quarantine protocols sa mga biyaherong pumapasok doon.
Ito ay bagama’t nakakapagtala pa rin ang Hong Kong ng mataas na kaso ng infection.
Sa katapusan ng buwang ito ay mag-aanunsyo na ang Hong Kong ng kanilang pinal na desisyon sa pag-aalis ng quarantine requirement sa inbound travelers.
Ikinalugod naman ito ng Filipino community dahil maaari nang makabalik sa Hong Kong ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit at hindi agad nakabalik doon dahil sa ilang buwan na restrictions ng Hong Kong.
Pero sa ngayon ay hindi na mahalaga sa Hong Kong ang bilang ng imported cases doon at sa halip ay ang pagpapalakas sa proteksyon sa komunidad doon.
Facebook Comments