Nagbigay ng hudyat si Hong Kong leader Carrie Lam na ibasura ang kontrobersyal na extradition bill.
Ito ay kasunod ng pagsasagawa ng milyu-milyung demonstrador ng pinaka-bayolenteng protesta sa kanilang kasaysayan.
Sa isang pulong balitaan, muling humingi ng paumanhin si Lam at i-aatras na niya ang panukala.
Aniya, malinaw at klarong niyang naririnig ang hinaing ng tao hinggil dito.
Pero muli siyang nanindigan na hindi siya magre-resign.
Sa ilalim ng panukala, ipapadala sa mainland China ang mga akusado para doon litisin na para sa karamihan ay banta sa rule of law ng Hong Kong.
Facebook Comments