Hong Kong, nagpatupad ng travel ban sa India, Pakistan at Pilipinas

Nagpatupad ng dalawang linggong travel ban ang Hong Kong sa India, Pakistan at Pilipinas.

Ito ay makaraang ma-detect ang N501Y mutant COVID-19 strain sa isang Asian financial hub.

Itinuturing naman na “extremely high risk” ang tatlong nabanggit na bansa na sinasabing nagdala ng strain sa Hong Kong sa nakalipas na 14 na araw.


Magsisimula ang travel ban bukas, April 20.

Facebook Comments