Pagbabakuna sa mga frontline workers, posibleng masimulan na sa Mayo o Hunyo

Posibleng masimulan na ang pagbabakuna sa mga frontline workers sa kalagitnaan ng Mayo o sa Hunyo.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa mga nabanggit na buwan kasi darating ang mas maraming COVID-19 vaccines.

Una rito, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang listahan ng mga sektor at industriya na kasali sa Priority Group A4 ng vaccination plan ng gobyerno.


Pinagsusumite naman ng Malacañang ng kani-kanilang master list ng Priority Group A4 ang mga Local Government Unit (LGU) na siyang magiging basehan ng bilang ng bakunang ibibigay sa kada LGU.

Facebook Comments