Hong Kong national, patay sa pananambang sa Pasay City

Manila, Philippines – Patay ang isang Hong Kong national na sinasabing casino financier matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa barangay Baclaran, Pasay City.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Chong Weng Sum, 60-anyos.

Sa ulat, nag-aabang lamang ng masasakyan ang biktima nang biglang may lumapit na lalaki at binaril ito sa ulo.


Napag-alaman ding naglalaro sa casino ang biktima at maraming pautang ito sa mga ilang kalaro.

Inaalam na kung may kinalaman sa negosyo ang pamamaslang sa dayuhan.

Facebook Comments