Korean national, nagbigti sa Taguig City

164

Manila, Philippines – Nagpakamatay ang isang Korean national sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium sa Barangay Ususan, Taguig City.

Kinilala ang dayuhan na si Hwan Chul Jung, 52-anyos.


Sa ulat, nadatnan na lamang na wala nang buhay ang biktima ng kanyang live-in partner na si Jennylyn Concepcion, 28-anyos.

Dahil sa insidente ay ka­agad niyang tinawag ang nakatalagang guwardya para humingi ng tulong.

Inaalam na rin kung may kinalaman sa negosyo ang sanhi nang pagpapatiwakal nito.

Facebook Comments