Hong Kong police, nagbanta na gagamit na sila ng live bullets laban sa mga nagpoprotesta

Nagbanta na ang Hong Kong police na mapipilitan na silang gumamit ng live bullets sa mga nagpoprotesta kapag ipinagpatuloy pa ng mga ito ang pananakit sa mga otoridad.

Ito ay matapos matamaan ng pana sa hita ang isang Hong Kong police media liaison officer.

Bukod sa pana ay armado rin umano ng petrol bombs ang mga nagsagawa ng kilos protesta.


Samantala, dahil dito ay maraming ang naaresto at sa ngayon ay mayroon pa ring mga naiwan na nagbarikada sa loob ng isang unibersidad.

Facebook Comments