NU Cheerleading Squad, kampeonato sa UAAP Season 82 Cheerdance Competition sa ikalawang sunod na taon

Itinanghal na kampyon ang National University (NU) Pep Squad sa ikalawang sunod na taon sa UAAP Season 82 Cheerdance Competition sa Mall of Asia Arena.

Dito ay nagpatagisan ng husay, at pakulo ang iba’t ibang cheerleading squads ng mga unibersidad.

Unang nagtanghal ang koponan ng De La Salle, kasunod angĀ  UE, UP, Ateneo, Adamson University, Far Eastern University (FEU), University of Sto. Tomas (UST), at National University (NU).


Bagamat pinakahuling nagtanghal ang NU Pep Squad ay hindi naman nito binigo ang kanilang mga tagahanga sa kanilang performance na may temang “Pinoy pride.”

Samantala, itinanghal na champion sa katatapos lang na DZXL Radyo Trabaho Team Bonding 2019 ang Tribong Itim.

Nasa 2nd place ang Tribong Bughaw at 3rd place ang Tribong Pula.

Amazing race treasure hunting ang naging tema ng team building ng DZXL ngayon taon na ginanap sa Philipā€™s Sanctuary sa Antipolo, Rizal.

Facebook Comments