Hong Kong, wala nang naitatalang local transmission ng COVID-19; Umiiral na restrictions, luluwagan na!

168

Simula sa Biyernes, September 18, 2020 ay luluwagan na ng Hong Kong ang kanilang ipinatupad na restrictions.


Ang hakbang ay matapos na wala nang naitatalang local transmission ng Coronavirus sa unang pagkakataon mula pa noong Hulyo 7, 2020 sa kanilang bansa.

Ayon kay Hong Kong Secretary for Food and Health Sophia Chan, kabilang sa bubuksan ay ang mga bars, swimming pools, theme parks at clubs.

Habang ang mga dine-in services at restaurants ay pinalawig na ng hanggang hatinggabi.

Pero sa kabila ng pagluluwag ay nagpaalala pa rin ang opisyal na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Nabatid na umabot sa 4,976 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong kung saan 101 ang nasawi.

Facebook Comments