Mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag, sa Amerika na maninirahan

354

Nilisan na ni PBA Legends Jimmy Alapag, asawang si LJ Moreno at tatlong mga anak ang Pilipinas para manirahan sa Amerika.


Ayon sa agent ni Alapag na si Charlie Dy Lulan, umalis ang pamilya Alapag kagabi papuntang Los Angeles.

Napag-desisyunan daw ng mag-asawa na sa Amerika na manirahan dahil sa ‘uncertainties‘ dulot ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman sinabi ng mag-asawa kung babalik pa sila sa bansa.

Nabatid na bago pa magdesisyon na sa Amerika manirahan sina Jimmy at LJ ay nakunan ang aktres sa ika-apat sana nilang anak ng PBA legend.

Facebook Comments