Honoraria increase sa mga guro at non-teaching personnel sa magsisilbi sa Eleksyon 2022, aprubado na ng COMELEC

Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ng Department of Education (DepEd) na taasan ang bayad ng mga guro at mga non-teaching personnel na magsisilbing sa 2022 elections.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nagpapasalamat sila sa COMELEC matapos aprubahan ang kanilang hiling na taasan ng P3,000 ang bayad sa mga gurong magsisilbing electoral board at poll workers.

Aniya, sasagutin din ng COMELEC ang transportation allowance, pagkain at inumin, at mga gagastusin sa paglilinis, pag-repair at maintenance ng mga kagamitan.


Habang isasama na rin ng DepEd sa kanilang budget proposal ang gastusin sa mga guro na magkakaroon ng COVID-19 habang pagbabantay sa halalan.

Facebook Comments