Bagyong Dante, nasa kanluran na ng Ilocos Norte

27

Nasa bahagi na ng West Philippines Sea ang Tropical Storm Dante.

Huling namataan ang bagyo sa layong 250 kilometers Kanluran–Hilagang Kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.


Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 km/hr.

Direksyong pahilaga ang kilos ng bagyo sa bilis na 20 km/hr.

Ayon sa PAGASA, patuloy na kikilos pahilaga ang bagyo hanggang sa mag-landfall ito sa Southern Taiwan mamayang gabi.

Mananatili ang lakas ito hanggang sa tumama ito ng kalupaan ng Taiwan hanggang sa humina bilang tropical depression.



Facebook Comments