Ipinahayag ni Election Officer IV Atty. Michael Franks Sarmiento ng COMELEC San Carlos ang kasiguraduhang magkakaroon ng honorarium ang mga gurong magsisilbing Board of Election Inspector (BEI) sa darating na eleksyon Mayo 2019. Tinatayang magdedeploy ang DepEd Pangasinan ng humigit kumulang 8,000 na mga guro sa buong lalawigan mid-term election sa mayo. Tiniyak naman ni Sarmiento na kasama sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng COMELEC sa DePED at DICT ay ang pag-siguro sa kapakanan ng mga gurong magsisilbing BEIs ngayong halalan. Pagtitiyak pa ng COMELEC na sakaling walang pondo na nakalaan dito ay hahanapan nila ito ng paraan upang mabayaran sa pamamagitan ng paghahanap ng pondo sa pamamagitan ng savings ng komisyon. Ito ay pagpapatunay ng pagbibigay halaga at maiwasang maging malaking isyu ang nasabing usapin.
Matatandaang may binitawang pahayag ang COMELEC Spokesperson James Jimenez na walang magiging honoraria ang mga gurong magsisilbing BEIs sa darating na halalan sa pagkakapasa ng reenacted P3.757 trillion 2019 budget dahil hindi naisama rito ang hinihiling nilang dagdag pondo para sana sa darating na mid-term election. *Ulat ni Elizabeth Ann Lomibao, UL Mass Communication Student*
Honoraria ng mga guro na mag-sisilbing BEI tiniyak ng COMELEC!
Facebook Comments