Inihayag ngayon ng Antipolo City government na maaari ng kuhanin ng mga public school teacher ng Antipolo ang kaning honorarium para sa 4th quarter ng taong 2020.
Ayon sa Antipolo Local Government Unit (LGU) sa lahat umano na naka- talaga sa lungsod prior noong nagsimula ang SY 2017-2018 ang pwede na kumuha ng honorarium.
Ang bawat guro ay tatanggap ng Php18, 000 sa buong taon o katumbas ng P1,500 bawat buwan para sa halos 4,000 public school teachers ng Antipolo City.
Umaasa ang Antipolo City government na makakatulong ang naturang halaga sa kanilang mga pangangailangan sa pagtuturo lalo na’t ngayong may pandemya.
Facebook Comments