MANILA – Halos tatlong linggo na matapos ang eleksyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ng Commission on Elections sa mga guro na nagsilbing Board of Election Inspectors ang hindi pa rin nakakatanggap ng kanilang honorarium.Sa interview ng RMN kay Alliance of Concerned Teachers Chairman Benjie Valbuena, mula sa 475,000 na mga nagsilbing BEIs, mahigit 100,000 pang mga guro ang hindi nababayaran.Ang mga ito aniya ay mula sa 24 na lugar sa buong bansa.Ang itinuturo ngayon ng finance department ng Comelec ay ang Landbank dahil sa hindi pa nito pagrelease ng pondo sa honorarium sa mga guro.Sinabi naman ni Comelec Chairman Andres Bautista na humihingi na siya ng report sa tunay na nangyari.Unang nagpalabas ng isang Memorandum si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na may pirma ng apat na commissioners na nagpapaalala kay Bautista na isang election effense ang hindi pagbabayad ng honorarium sa mga guro, labing limang araw simula nang magsilbi ang mga ito.
Honorarium Sa Mga Gurong Nagsilbing Beis Sa Katatapos Na Eleksyon, Hindi Pa Naibibigay Ng Comelec
Facebook Comments