Horn, hanggang 7th round lang ayon sa isang sports analyst

78

Manila, Philippines – Hindi umano lalagpas sa Ika-pitong round at mapapatumba ng Filipino Ring Icon na si Senator Manny Pacquiao ang kalaban nitong Undefeated Australian Boxer na si Jeff Horn.
Ito ang pananaw ng kilalang sports analyst na si Atty. Ed Tolentino.

Sa panayam ng RMN (Radio Manila Nationwide) Pagadian, sinabi ni Tolentino na mananalo si Paquiao via knock-out.

Pinagbasehan ng mga Pilipino ang huling naging mga kalaban ni Horn na parang robot kung lumaban at bukas na yung depensa.


Pero dapat pa rin mag-ingat umano si Manny sa kanan ni Horn, kasi right straight ang paboritong suntok ni Horn.

Naniniwala pa rin si Tolentino na mananaig si Pacquiao dahil sa kaniyang experience.

Facebook Comments