Tatlong lalaking naaresto sa buy bust operation sa Cagayan De Oro, nakunan ng mga armas

Cagayan De Oro – Nakunan ng mga armas ang tatlong mga lalaking naaresto ng kapulisan sa Cagayan De Oro City sa isinagawang buy bust operation kahapon.

Caliber 45 na armas na may limang bala at isang shotgun na may anim na bala ang nakuha mula sa mga suspek na sina Rechiller SalvaƱa, Goldie Chiqui Alberca Lanuza at Albert Cliff Enerio.

Naaresto ang tatlo sa PN ROA Subdivision, Calaanan, Barangay Canitoan at nakuha rin sa kanila ang tatlong sachet ng shabu, buy bust money, cellphone, digital weighing scale at drug paraphernalia.


Facebook Comments