Bumaba ng 52% ang hospital bed occupancy rate para sa COVID-19 patients sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nananatili namang mataas ang utilization ng Intensive Care Units (ICUs) para sa COVID-19 patients sa National Capital Region (NCR) dahil sa matagal na paggaling ng mga pasyente.
Gayunman, sa kabuuan nakitaan ng OCTA ng improvements sa COVID-19 situation ang NCR.
Maliban dito, bumaba rin sa 2,942 ang seven-day average ng mga bagong kaso sa NCR mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4.
Ang one-week growth rate sa rehiyon ay nasa negative 27 percent habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus ay bumaba sa 0.76.
Giit ni David, gumagana ang COVID-19 strategy ng pamahalaan kaya maaari ng ibaba ang classification levels ng Metro Manila.