Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 98% ng hospital beds para sa COVID-19 patients sa Chong Hua Hospital sa Cebu ang okupado na.
Sa harap ito ng paglobo ng kaso ng COVID sa Cebu kung saan sa nasabing ospital, 207 na COVID patients ang naka-confine.
Nangangahulugan ito na ang private hospitals sa Cebu ay nasa critical level na ang critical care resources.
Kinumpirma rin ng DOH na karamihan sa mga ospital sa Cebu province ay mayroon lamang Level 1 health facilities, at nangangahulugan ito na wala silang Intensive Care Unit (ICU).
Sa ngayon, nagpapatuloy rin ang pinaigting na contact tracing sa Cebu kaya asahan pa ang pagtaas ng COVID cases doon sa mga susunod na araw.
Facebook Comments