24 katao, patay sa mass slaying sa Mexico

89

Patay ang 24 katao habang sugatan naman ang pitong iba pa matapos ang nangyaring pag-atake ng mga armadong lalaki sa Central Mexican City na Irapuato.


Ayon sa ulat, nangyari ang pamamaril sa isang rehab facility sa estado ng Guanajuato sa nasabing bansa.

Nabatid na ang nasabing pag-atake ang pinaka-malalang mass slaying na naganap simula ng maupo si President Andres Manuel Lopez Obrador na nangakong aagapan ang tumataas na kaso ng karahasan sa Mexico.

Matatandaang nitong June 6, 2020 ay umabot sa sampu ang nasawi nang mamaril din ang mga armadong lalaki sa rehabilitation center sa Irapuato.

Facebook Comments