Cauayan City, Isabela- Nasa kategorya ng ‘low risk’ o 13.94 percent ang Hospital Care Utilization Rate (HCUR) ng Cordillera Administrative Region (CAR) batay sa pagtaya ng Department of Health-CAR.
Lumalabas sa datos, Abra ay mayroong 19.36%, Apayao 7.14%, Baguio City,13.19%, Benguet 20.80%, Ifugao na may 11.11%, Kalinga 14.71% at Mountain Province na may 11.25% bed occupancy rates.
Nilinaw ng DOH-Cordillera na ang HCUR ay sumasalamin lamang sa bilang ng mga available at occupied beds para sa mga pasyenteng #COVID19 lamang at hindi ang buong bed capacity ng mga ospital at infirmaries.
Sa ilalim ng mga alituntunin ng IATF, ang mga ospital ng gobyerno ay dapat maglaan ng hindi bababa sa 30% ng kanilang bed capacity at hindi bababa sa 20% para sa mga private health facilities.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan sa publiko na magpabakuna para magkaroon ng dagdag na proteksyon.
Facebook Comments