Nananatiling mataas ang hospital utilization sa National Capital Region (NCR) kahit bumaba ang reproduction number ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, ang reproduction rate sa Metro Manila ay bumaba sa 1.23 mula sa 1.88 kasunod ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Pero ang average na pananatili ng isang COVID-19 patient sa ospital ay sa pagitan ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Ibig sabihin, kahit ibaba ang quarantine status ay marami pa ring pasyente ang mga nasa healthcare facilities.
Posible aniyang hindi kayanin ng healthcare workers ang lumolobong bilang ng mga naa-admit na pasyente.
Babala ng OCTA Research Group, mananatiling mataas ang COVID-19 cases sa NCR gayundin ang utilization sa mga ospital kahit inaasahan ang downward trend.