Hot Pursuit Operation laban sa Limang kawatan na Nanloob sa Metrobank-Tuguegarao City, Maigting na Ikinasa ng PNP Cagayan!

*CAGAYAN- *Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon at manhunt operation ng kapulisan sa mga suspek na nanloob sa mainbranch ng Metrobank makaraang araw sa Tuguegarao City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Provincial Director PSSUPT. Warren Tolito ng PNP Cagayan na mayroon na rin umano silang hinihintay na cartographic sketch ng mga suspek na makakatulong sa kanilang agarang pagkahuli.

Iginiit rin ni PD Tolito na wala umanong nagalaw sa mga pera ng mga depositor sa perang natangay ng mga suspek at nakikipagtulungan na rin umano ang mga Mayors at LGU’s sa naturang lalawigan para sa agarang pagkaresolba sa nangyaring insidente.


Hiniling pa ni PD Tolito ang kooperasyon ng taumbayan na maaaring mag-report sa mga tanggapan ng kapulisan kung may makitang sasakyan na putting Toyota Grandia Van na walang plaka lalo na umano kung kahina-hinala ang galaw ng drayber nito.

Samantala, hinihintay na lamang umano ng PNP Tuguegarao ang ipapalabas na Warrant of Arrest laban sa mga akusadong nasampahan ng Murder na sina Vice-mayor Joel Ruma at Eloy Baloran hinggil sa pagkamatay ni SB Member Alfredo Alvarez ng Rizal, Cagayan.

Facebook Comments