Hot pursuit operations laban sa mga nagpasabog ng IED sa convoy ng alkalde ng South Upi, Maguindanao, nagpapatuloy

Kasalakuyang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa buong Maguindanao para mahuli ang mga responsable sa pagpapasabog ng road-side improvised explosive device (IED) sa convoy ni South Upi Mayor Mayor Reynalbert Insular kahapon.

Sa report ni PRO-BAR Regional Director, Police BGen. Samuel Rodriguez kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, nangyari ang pagpapasabog pasado alas-2:00 ng hapon kahapon habang dumadaan ang convoy ng mayor sa bisinidad ng Barangay Pandan at Barangay Pilar sa South Upi.

Ayon kay Rodriguez, nakaligtas ng walang galos ang alkalde sa pambobomba pero isang kasamahan nito ang nasawi at apat na iba pa ang sugatan.


Kinilala ang nasawi na si Thelmo Divinagracia Sase, 28-anyos, residente ng Brgy. Itaw, South Upi; habang ang mga sugatan ay sina: John Tumbaga, 30-anyos, ng Linamas, Brgy. Romongaob, South Upi; Christian Sase, 22-anyos, ng Brgy Itaw, South Upi; Ernesto Debang, 53-anyos, ng Brgy. Pandan; at Leonard Betita, 20-anyos, ng Brgy. Pilar, South Upi.

Nailikas naman agad si Mayor Insular at ang mga iba pa nitong kasamahan sa ligtas na lugar ng mga rumespondeng tropa ng South Upi Municipal Police Station at 57th Infantry Battalion of the Philippine Army.

Facebook Comments