HOT PURSUIT OPS | Nakatakas na holdaper sa Parañaque, tinutugis pa rin ng SPD

Parañaque – Puspusan pa rin ang Hot Pursuit Operation ng pulisya laban sa nakatakas na holdaper sa Barangay Sun Valley, Parañaque City, kagabi.

Ayon kay Southern Police District Director Chief Superintendent Ramon Apolinario Jr., inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng suspek at ang posibleng dinaanan nito sakay ng motorsiklo.

Pinag-igting na rin ang checkpoint malapit sa pinangyarihan ng insidente.


Una rito, nasa bahagi ng Poblete compound ang biktimang si Rea Salquia, lady guard sa isang hotel, resort and casino, nang tangayin ang kanyang bag ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nakahingi pa ng tulong ang biktima na agad namang nirespondehan ng mga pulis.
Nang makorner, nanlaban pa ang mga suspek na ikinasawi ng isa habang nakatakas ang kanyang kasama.

Facebook Comments