HOT SPOTS | 53 barangay sa Metro Manila, kabilang sa election watch list areas

Manila, Philippines – Nasa 53 barangay sa mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ang kasama sa election watchlist areas.

Ayon kay outgoing National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, kabilang sa nasa election watchlist ang Caloocan, Navotas at Maharlika Village sa Taguig.

Aniya, ang mga nabanggit na lugar ay prone sa karahasan at mga insidente na may kinalaman sa eleksyon at pulitika.


Dahil dito, kabuuang 15,040 na mga pulis ang itatalaga sa 730 polling centers sa Metro Manila.

Wala pa rito ang augmentation na manggagaling sa Joint Task Force ng NCRPO at Armed Forces of the Philippines.

Nabatid na sa nakaraang barangay election noong October 2013, nasa 6,195 na mga barangay ang idineklarang hot spots.

Facebook Comments