‘NO PROBLEM’ | Alvarez, naghamon sa mga nais magpatalsik sa kanya sa pwesto

Manila, Philippines – Hinamon ni Speaker Pantaleon Alvarez ang mga kapwa nito mambabatas na ituloy ang plano nilang pag-papatalsik sa kaniya sa puwesto.

Ayon kay Alvarez, walang problema sa kaniya kung may mga kapwa siya kongresista na nais siyang palitan bilang lider ng kapulungan.

Tinawag rin ni Alvarez na tsismis ang mga plano na patalsikin siya sa puwesto.


Una nang napaulat na mayroong mga mambabatas mula sa Mindanao ang nag-iikot sa Northern Luzon para kumuha ng mga suporta para gawing lider ng kamara si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Habang ilalagay naman si Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco bilang kapalit ni House Majority Leader Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Facebook Comments