Magkakaroon ng programa sa telebisyon ang hotline number na inilunsad ni Pangulong Duterte upang maisumbong ng taumbayan ang mga nararanasan at nakikitang korapsyon sa pamahalaan.
Mapapanood ang “Digong Hotline 8888” simula Huwebes, Hulyo 11 sa PTV 4 at iba pang affiliated stations nito. Eere ang palabas mula 2:00 P.M. hanggang 3:00 P.M.
Sila Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Assistant Secretary Kris Roman ng Office of the Chief Presidential Counsel at PTV 4 anchor Trixie Jaafar.
Nais din ng public service program mag-produce ng special episode tampok si Pangulong Rodrigo Duterte. Personal nitong sasagutin ang mga tawag mula sa hotline 8888.
Layunin ng “Digong Hotline 8888” ilapit sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno at agarang tugunan ang kanilang reklamo kaugnay sa mga tiwalang opisyales.
Taong 2016, nilagdaan ni Duterte ang Executive Order 6 kung saan itinalagang Citizens Complaint Center ang hotline 8888.
Pinapangasiwaan ng Office of the Executive Secretary ang 8888 at nag-ooperate ng 24 oras at pitong beses sa isang linggo. Ang kadalasang reklamong natatanggap ng nasabing hotline ay mabagal na proseso ng dokumento, overcharging, fixers, at masamang ugali at pakikitungo ng ilang opisyales ng pamahalaan.
Matatagpuan sa Bahay Ugnayan, Malacañang ang headquarters ng 8888.