Hotline para sa mga nagnanais nang huminto sa paninigarilyo – inilunsad ng D-O-H

Manila, Philippines – Inilunsad ngayon ng Department of Health ang hotline para tulungan ang mga nagnanais na tumigil na sa paninigarilyo.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial – tatawagin itong “quitline” kung saan isa aniya itong epektibong armas para sa paghahatid ng health care systems sa mga Tobacco users.

Panahon na aniya na magamit ang buong potensyal ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon para maabot ng counselling ang malawak na hanay ng mga Filipino smokers.


Ang quit line o hotline na tatawagan ay –165-364 sa mga gumagamit ng mobile phone, itext lamang ang ‘stopsmoke’ at ipadala sa ‎‎29290-165-364.

Batay sa datos ng 2015 global adult tobacco survey – pito sa sampung 10 pinoy na naninigarilyo ang gustong tumigil, pero 4% lamang ng nagtangkang tumigil.

Facebook Comments