Hotline para sa OFWs, ilulunsad sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao!

Nagsanib-pwersa ang OWWA-ARMM at ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat sa pamumuno ni Mayor Shameem Mastura sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa OFWs partikular sa implimentasyon ng livelihood program para sa dating OFWs.
Ayon kay Mayor Shameem ramdam niya ang sakripisyo at paghihirap ng mga kababayang OFWs para lamang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kaugnay nito, magkakaroon ng hotline ang LGU Sultan Kudarat para sa lahat ng kanyang mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa upang direkta nilang makakaugnay ang kanilang pamahalaang lokal sa oras na kakailanganin nila ang tulong mula rito.
Sa kasalukuyan ay inaayos na ng LGU Sultan Kudarat ang hotline para sa OFWs.

Facebook Comments