Hotlines at social media accounts ng Bureau of Immigration, mananatiling operational sa Lunes

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Immigration na sarado ang kanilang tanggapan sa Lunes (June 26) bilang pakikiisa sa pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.

Gayunpaman, ayon sa Immigration, mananatiling operational ang kanilang National Operations Center Hotline upang tugunan ang mga immigration inquiries.

Mananatili ring operational ang kanilang email at social media accounts para sumagot sa mga katanungan.


Magbabalik naman sa normal na serbisyo ang kanilang tanggapan sa Martes (June 27).

Facebook Comments