House Appropriations Committee, Tiniyak Na Walang Pork Barrel Sa 2017 National Budget

15

MANILA – Walang nakapaloob na pork barrel sa 2017 national budget.Ito ang tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles kasunod ng panawagan ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang pork barrel items sa 2017 general appropriations act.Ayon kay Nograles – inirerespeto niya ang senador pero hindi totoong may nakasingit na pork barrel sa naturang pambansang budget.Katunayan aniya, naging sobrang maingat at metikuloso ang kamara sa pagrepaso ng budget na isinumite naman ng Malacañang.Tiniyak din nito na maayos na nakadetalye ang mga proyekto at programa ng pamahalaan na gagamitan ng pondo.

Facebook Comments