Cidg-Region 8 Chief Supt. Marvin Marcos At 22 Kasamahan Nito, Pinasa-Subpoena Na Ng Doj

31

MANILA – Pinadalhan na ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) sina PNP Criminal Investigation and Detection Group-Region 8 Chief Supt. Marvin Marcos at dalawampu’t dalawa pang miyembro nito.May kinalaman ito sa isinampang kaso ng National Bureau of Investigation hinggil sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa at isa pang inmate.Matatandaang batay sa isinagawang imbestigasyon ng nbi, sinadyang patayin si Espinosa.Kabaligtaran ito sa mga naging pahayag nina Marcos kung saan iginiit ng mga ito na nanlaban si Espinosa kaya’t napilitan silang barilin ito.Magugunita ring sinabi ng anak ni Espinosa na si Kerwin sa pagdinig ng senado na binibigyan niya ng payola si Marcos.Kaya naman, dahil dito – nabuo ang hinala ng senado na posible ngang pinatay ang alkalde.

Facebook Comments