Wala pang basehan sa ngayon ang House Committee on Ethics para imbestigahan si dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.
Paliwanag ni Committee Chairman at COOP NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, hindi pa makapagkakasa ng aksyon ang komite dahil wala pa itong natatanggap na mga dokumento at pormal na reklamo laban kay Alvarez.
Tugon ito ni Espares sa panawagan ng ilang kongresista na isalang na ng committee sa pagdinig si Alvarez.
Ang isyu ay kaugnay sa pahayag ni Alvarez sa isang rally sa Tagum City na humihikayat sa Armed Forces of the Philippines na bumawi ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Facebook Comments