House Committee on Good Government, tiniyak ang lubos na kooperasyon sa Ombudsman kahit nasorpresa sa mabilis nitong aksyon kaugnay sa rekomendasyong kasuhan si VP Sara

Tiniyak ng House Committee on Good Government and Public Accountability na lubos itong makipagtutulungan sa Office of the Ombudsman kaugnay sa rekomendasyon na kasuhan si Vice President Sara Duterte hinggil sa umano’y maling paggamit ng P612.5 million na confidential funds.

Ayon kay Committee Chairman Manila 3rd District Representative Joel Chua, na isa rin sa House prosecutors, welcome development ang aksyon ng Ombudsman.

Gayunpaman, aminado si Chua na nasorpresa sila sobrang mabilis na pagkilos ng ombudsman na agad nag-utos kay VP Sara at iba pang sangkot na mga indibidiwal na magsumite ng paliwanag.

Binanggit ni Chua na June 16 nila isinumite sa Ombudsman ang committee report na naglalaman ng rekomendasyon na sampahan ng plunder, technical malversation, at iba pang kaukulang kaso si VP Sara at nakagugulat na makalipas ang tatlong araw o June 19 ay naglabas agad ito ng order kay VP Sara.

Facebook Comments